Genesis 3:5
Dahil alam ng Diyos na sa araw na kainin ninyo ito mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo ay magiging tulad ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.
Cross References
Genesis 2:9Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama.
Genesis 3:7Parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila ay hubad. Pinagsama-sama nilang tinahi ang mga dahon ng igos at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili.
Genesis 3:22Sinabi ni Yahweh na Diyos, “Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.”
Exodus 20:7Hindi ninyo dapat kunin ang pangalan ko, si Yahweh ang inyong Diyos, sa walang kabuluhan, dahil hindi ko ituturing na walang pagkakakasala ang sinumang kukuha ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
1 Kings 22:6Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
Psalms 12:4Ito ang mga nagsabing, “Sa pamamagitan ng ating dila, tayo ay mangingibabaw. Kapag ang ating mga labi ang nagsalita, sino ang maaaring maging panginoon sa atin?”