Daniel 11:4
Sa kaniyang paglitaw, mawawasak ang kaniyang kaharian at mahahati sa apat na hangin ng langit. Ngunit hindi ito maibibigay sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at hindi ito magkakaroon ng dati nitong kapangyarihan nang pinamumunuan niya ito. Sapagkat mabubunot ang kaniyang kaharian at ibibigay sa hindi niya sariling kaapu-apuhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 20:5saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
Psalms 39:6Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
Psalms 73:17Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
Ecclesiastes 4:8Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan ang lahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtataka siya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamang kalagayan.
Jeremiah 12:17Ngunit kung sinuman ang hindi makikinig, bubunutin ko ang bansang iyon. At tiyak itong mabubunot at mawawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Jeremiah 31:40Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.