The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 11 › Daniel 11:3

Daniel 11:3

At mamumuno ang isang makapangyarihang hari sa isang napakalaking kaharian at gagawin niya ang lahat ng bagay na kaniyang naisin.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And a mighty king shall stand up, that shall rule with great dominion, and do according to his will.

In Context

2At ngayon, ipapahayag ko sa iyo ang isang katotohanan. Tatlong hari ang lilitaw sa Persia at ang ika-apat ay higit na mayaman kaysa sa kanilang lahat. Nang magkaroon siya ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang mga kayamanan, hihimukin niya ang bawat isa laban sa kaharian ng Grecia.

4Sa kaniyang paglitaw, mawawasak ang kaniyang kaharian at mahahati sa apat na hangin ng langit. Ngunit hindi ito maibibigay sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at hindi ito magkakaroon ng dati nitong kapangyarihan nang pinamumunuan niya ito. Sapagkat mabubunot ang kaniyang kaharian at ibibigay sa hindi niya sariling kaapu-apuhan.

Read all of Daniel 11

Cross References

Daniel 5:19At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.

Daniel 8:4Nakita kong sumasalakay ang lalaking tupa sa kanluran, sa hilaga at sa timog; walang ibang hayop ang kayang tumayo sa kaniyang harapan. Wala sa mga ito ang may kakayahang iligtas ang sinuman mula sa kaniyang kamay. Ginagawa niya ang anumang naisin niya at naging dakila siya.

Daniel 8:21Ang lalaking kambing ang hari ng Grecia. Ang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata ay ang unang hari.

Daniel 11:36Gagawin ng hari ang lahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihin ang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan, at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban sa Diyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa maganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyang magaganap.

Hebrews 2:4Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, mga kamangha-manghang gawa, at sa pamamagitan ng iba't- ibang mga makapangyarihang gawa, at sa pamamagitan ng kaloob ng Banal na Espiritu na kaniyang ipinamahagi ayon sa kaniyang kalooban.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 11:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 11:2Daniel 11Daniel 11:4 →