Daniel 8:17
Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nang lumapit siya, natakot ako at nagpatirapa sa lupa. Sinabi niya sa akin, “Unawain mo, anak ng tao, na ang pangitain ay para sa panahon ng pagwawakas.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 1:28Tulad ito ng isang bahagharing lumilitaw sa mga ulap sa isang maulang araw—at tulad ng maliwanag na ilaw ang pumapaligid dito. Nagpakita ito tulad ng anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako, at narinig ko ang isang tinig na nagsasalita.
Ezekiel 6:2“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga bundok ng Israel at magpropesiya sa kanila.
Daniel 8:15Nang akong si Daniel ay nakita ang pangitain, sinubukan kong unawain ito. At may tumayo sa harapan ko na katulad ng isang lalaki.
Daniel 9:23Nang ikaw ay humihingi ng habag, ibinigay ang atas at pumunta ako upang sabihin sa iyo ang sagot, sapagkat labis kang iniibig. Samakatwid isaalang-alang ang salitang ito at unawain ang pahayag.
Daniel 10:7Akong si Daniel lamang ang nakakita ng pangitain, sapagkat hindi nakita ng mga lalaking kasama ko ang pangitain. Gayunman, isang malaking takot ang dumating sa kanila at tumakbo sila upang magtago.
Daniel 10:16May isang anyong tulad ng tao ang humipo sa aking mga labi, at ibinukas ko ang aking bibig at nakipag-usap sa kaniya na nakatayo sa aking harapan, “Aking panginoon, ibinalik ng pangitain ang dalamhati sa akin at wala na akong natirang lakas.