Daniel 11:8
Dadalhin niya sa Egipto ang kanilang mga diyos kasama ang kanilang mga inukit na imaheng metal at ang kanilang mahahalagang lalagyan ng pilak at ginto at sa loob ng ilang taon, iiwasan niyang salakayin ang hari ng Hilaga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:12Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
Deuteronomy 12:3at sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagpipira-pirasuhin ninyo ang kanilang banal na mga batong haligi, at susunugin ang kanilang mga posteng Asera; puputulin ninyo ang inukit na mga larawan ng kanilang mga diyus-diyosan at sisirain ang kanilang pangalan mula sa lugar na iyon.
2 Samuel 5:21Iniwan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, at dinala ni David at kaniyang mga tauhan ang mga ito.
Isaiah 37:19Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
Jeremiah 43:12At susunugin ko ang mga templo ng mga diyus-diyosan ng Egipto. Susunugin sila o sasakupin ni Nebucadnezar. Lilinisin niya ang lupain ng Egipto tulad ng mga pastol na nagtatanggal ng kuto sa kanilang kasuotan. Lalabas siya na matagumpay sa lugar na iyon.
Daniel 1:2Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.