Daniel 2:39
Pagkatapos mo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababa sa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tanso ang mamamahala sa buong mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 44:28na siyang nagsasabi tungkol kay Ciro, 'Siya ang aking pastol, gagawin niya ang lahat ng naisin ko' - kaniyang ipag-uutos tungkol sa Jerusalem, 'Hayaan siyang muling maitatag,' at ang tungkol sa templo, 'Hayaan na ang pundasyon mo ay mailatag.”
Daniel 5:28PERES, ang iyong kaharian ay 'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.”
Daniel 7:6Pagkatapos, muli akong tumingin. Mayroon pang isang hayop na kahawig ng isang leopardo. Sa likod nito ay mayroong apat na pakpak na tulad ng mga pakpak ng ibon at mayroon itong apat na ulo. Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.
Daniel 8:3Tumingin ako sa itaas at nakita ko sa aking harapan ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay na nakatayo sa tabi ng ilog. Mas mahaba ang isang sungay kaysa sa isa. Ngunit mas mabagal ang paglaki ng mas mahaba kaysa sa mas maiksi at nalampasan nito ang haba.
Daniel 8:21Ang lalaking kambing ang hari ng Grecia. Ang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata ay ang unang hari.
Daniel 11:2At ngayon, ipapahayag ko sa iyo ang isang katotohanan. Tatlong hari ang lilitaw sa Persia at ang ika-apat ay higit na mayaman kaysa sa kanilang lahat. Nang magkaroon siya ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang mga kayamanan, hihimukin niya ang bawat isa laban sa kaharian ng Grecia.