Daniel 7:6
Pagkatapos, muli akong tumingin. Mayroon pang isang hayop na kahawig ng isang leopardo. Sa likod nito ay mayroong apat na pakpak na tulad ng mga pakpak ng ibon at mayroon itong apat na ulo. Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 2:39Pagkatapos mo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababa sa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tanso ang mamamahala sa buong mundo.
Daniel 8:5Habang iniisip ko ang tungkol dito, nakakita ako ng isang lalaking kambing na nagmula sa kanluran, sa ibabaw ng buong mundo, tumatakbo nang mabilis na parang hindi sumasayad sa lupa. Ang kambing ay may isang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.
Daniel 8:21Ang lalaking kambing ang hari ng Grecia. Ang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata ay ang unang hari.
Daniel 11:3At mamumuno ang isang makapangyarihang hari sa isang napakalaking kaharian at gagawin niya ang lahat ng bagay na kaniyang naisin.
Revelation 13:2Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.