Daniel 3:27
Nakita ang mga kalalakihang ito ng mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at iba pang mga gobernador at nang mga konsehal ng mga hari na sama-samang nagtitipon. Hindi nasaktan ng apoy ang kanilang mga katawan, hindi natupok ang buhok sa kanilang mga ulo, hindi nasira ang kanilang mga balabal at hindi sila nag-amoy sunog.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 17:46Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
2 Kings 19:19Kaya ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami, nagmamakaawa ako, mula sa kaniyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng mga kaharian sa mundo na ikaw, Yahweh, ang nag-iisang Diyos.”
Psalms 96:7Iukol kay Yahweh, kayong mga angkan ng mga tao, iukol kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan.
Isaiah 43:2Kapag ikaw ay dumaraan sa mga tubigan, ako ay kasama mo; at sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog, ni sa apoy ay hindi ka masasaktan.
Daniel 3:21Tinalian sila na suot pa ang kanilang mga balabal, mga tunika, mga turban at iba pang mga kasuotan at itinapon sila sa loob ng naglalagablab na pugon.
Luke 21:17Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan.