The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 3 › Daniel 3:28

Daniel 3:28

Sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensahero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mga lingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila ang aking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysa sumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sa kanilang Diyos.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Then Nebuchadnezzar spake, and said, Blessed be the God of Shadrach, Meshach, and Abed-nego, who hath sent his angel, and delivered his servants that trusted in him, and have changed the king’s word, and yielded their bodies, that they might not serve nor worship any god, except their own God.

In Context

27Nakita ang mga kalalakihang ito ng mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at iba pang mga gobernador at nang mga konsehal ng mga hari na sama-samang nagtitipon. Hindi nasaktan ng apoy ang kanilang mga katawan, hindi natupok ang buhok sa kanilang mga ulo, hindi nasira ang kanilang mga balabal at hindi sila nag-amoy sunog.

29Kaya gagawa ako ng isang kautusan na sinumang tao, bansa o wika ang magsalita ng anumang laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay pagpipira-pirasuhin at gagawing tambakan ng basura ang kanilang mga tahanan sapagkat walang ibang diyos ang makakapagligtas tulad nito.

Read all of Daniel 3

Cross References

Genesis 19:15Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.”

1 Chronicles 5:20Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.

2 Chronicles 32:21Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.

Ezra 6:11Ipinag-uutos ko na kung sinuman ang lalabag sa utos na ito, isang barakilan ang dapat hilahin mula sa kaniyang bahay at dapat siyang ituhog dito. Dahil dito, ang kaniyang tahanan ay dapat gawing isang tambak ng gumuhong mga bato.

Psalms 22:4Ang aming mga ninuno ay nagtiwala sa iyo; nagtiwala sila sa iyo at sila ay niligtas mo.

Psalms 33:18Tingnan ninyo, ang mata ni Yahweh ay nasa kanila na may takot sa kaniya, sa mga taong umaasa sa kaniyang katapatan sa tipan

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 3:28

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 3:27Daniel 3Daniel 3:29 →