Daniel 4:13
Nakita ko sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan, at isang banal na mensahero ang bumaba mula sa kalangitan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:2Sinabi niya: Mula si Yahweh sa Sinai at nagpakita sa kanila mula Seir. Nagliwanag siya mula sa Bundok ng Paran, at dumating siya kasama ang sampung libong mga banal na pinili. Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong kumikislap na kidlat.
Psalms 89:7Siya ay Diyos na lubos na pinararangalan sa konseho ng mga banal at ang kamangha-mangha sa gitna ng lahat ng nakapalibot sa kaniya.
Daniel 4:5Ngunit natakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga ako roon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita at sa mga pangitain sa aking isipan.
Daniel 4:23Nakita mo, hari, ang isang banal na mensaherong bumababa mula sa langit at sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunit iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga mababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.'
Daniel 7:17Ang malalaking hayop na ito, na apat ang bilang, ay apat na haring manggagaling mula sa daigdig.
Daniel 8:13At narinig ko na nagsasalita ang isang banal at sinasagot siya ng isa pang banal, “Gaano katagal mananatili ang mga bagay na ito, ang pangitaing ito tungkol sa alay na susunugin, ang kasalanan na nagdadala ng kapahamakan, ang pagpapasakamay ng santuwaryo at ang pagtapak sa hukbo ng langit?”