Daniel 4:14
Sumigaw siya at sinabing, 'Sibakin ang puno at putulin ang mga sanga nito, tanggalin ang mga dahon, at ikalat ang mga bunga. Hayaang umalis ang mga hayop mula sa ilalim nito at lumipad ang mga ibon mula sa mga sanga nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 51:6Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.
Ezekiel 31:12Pinutol siya ng mga dayuhang kinatatakutan ng lahat ng mga bansa at pagkatapos ay iniwan siya. Ang mga sanga nito ay nagsihulog sa mga bundok at sa mga lambak, at nasira ang mga sanga nito sa lahat ng mga batis sa mundo. At lumabas ang lahat ng mga bansa sa mundo mula sa lilim nito at iniwan siya.
Daniel 3:4At sumigaw ng malakas ang isang tagapamalita, “Inuutusan kayo, mga tao, mga bansa at mga wika,
Daniel 4:23Nakita mo, hari, ang isang banal na mensaherong bumababa mula sa langit at sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunit iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga mababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.'
Daniel 5:20Ngunit nang nagmataas ang kaniyang puso at naging matigas ang kaniyang espiritu kaya kumilos siya ng may kapalaluan, ibinaba siya mula sa pagkahari, at tinanggal nila ang kaniyang kapangyarihan.
Matthew 3:10Nakahanda na ang palakol sa mga ugat ng mga puno. Kaya bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.