Daniel 4:18
Ako, si Haring Nebucadnezar ay nagkaroon ng ganitong panaginip. Ngayon, ikaw Beltesazar, sabihin mo sa akin ang paliwanag, dahil wala sa mga may karunungang kalalakihan sa aking kaharian ang makapagpaliwanag nito sa akin. Ngunit makakaya mong gawin, dahil sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:8Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
1 Kings 14:2Sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, “Pakiusap bumangon ka at magkunwari, para hindi ka makilala bilang asawa ko, at pumunta ka sa Silo, dahil ang propetang si Ahias ay naroroon; siya ang nagsalita tungkol sa akin, na sinasabing ako ay magiging hari sa bayang ito.
Isaiah 47:12Magpatuloy ka sa paggamit ng salamangka at maraming pangkukulam na tapat mong binibigkas mula pa nang iyong pagkabata; marahil ay magtatagumpay ka, marahil ay matataboy mo ang sakuna.
Daniel 2:26Sinabi ng hari kay Daniel (na tinatawag na Beltesazar), “May kakayahan ka bang sabihin sa akin ang panaginip na nakita ko at ang kahulugan nito?”
Daniel 4:7At dumating ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga astrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindi nila ito maipaliwanag sa akin.
Daniel 5:15At dinala sa harapan ko ang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga karunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin ang kahulugan nito.