Daniel 4:19
At labis na nabahala nang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, at nangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari, “Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginip o ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Aking panginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari ang panaginip, nawa para sa iyong mga kaaway ang paliwanag nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:35Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, “Huwag kang magalit, aking panginoon, sapagkat hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko dahil sa ako ay may buwanang dalaw.” Kaya naghanap siya ngunit hindi niya natagpuan ang kanyang pansambahayang diyos.
Genesis 32:18Sa gayon sasabihin mong, 'Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay regalong pinadala sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay paparating din kasunod namin.”'
1 Samuel 1:15Sumagot si Ana, “Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh.”
1 Samuel 24:8Pagkatapos, tumayo rin si David, iniwan ang kuweba, at tinawag si Saul: “Aking panginoong hari.” Nang tumingin si Saul sa kanyang likuran, nagpatirapa si David sa lupa at nagpakita sa kanya ng paggalang.
2 Samuel 18:31Pagkatapos kaagad namang dumating ang Cusita at sinabing, “May mabuting balita para sa aking panginoong hari, dahil ipinaghiganti ka ni Yahweh sa araw na ito mula sa lahat ng nag-alsa laban sa iyo.”
Jeremiah 4:19Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.