Daniel 4:22
ang punong ito ay ikaw, hari, ikaw na lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ng daigdig ang iyong kapangyarihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 28:12Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon.
2 Chronicles 28:9Ngunit naroon ang isang propeta ni Yahweh, Oded ang kaniyang pangalan. Siya ay lumabas upang salubungin ang hukbo na papasok sa Samaria. Sinabi niya sa kanila, “Dahil nagalit si Yahweh sa Juda, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ipinasakamay niya sila sa inyo. Ngunit pinagpapatay ninyo sila sa galit na abot hanggang langit.
Psalms 108:4Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay dakila sa ibabaw ng kalangitan; at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay umaabot sa himpapawid.
Jeremiah 27:6Kaya ngayon, ako mismo ang magbibigay ng lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia, na aking lingkod. Gayundin, ibinibigay ko sa kaniya ang mga bagay na nabubuhay sa mga parang upang maglingkod sa kaniya.
Daniel 2:37Ikaw hari, ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ng Diyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at ang karangalan.
Daniel 5:18Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucadnezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan at kapangyarihan.