Daniel 5:7
Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:8Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
Numbers 22:7Kaya umalis ang mga nakakatanda ng Moab at ng Midian, dala nila ang pambayad para sa panghuhula. Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Balak.
Numbers 24:11Kaya iwan mo ako ngayon at umuwi ka na. Sinabi ko na labis kitang gagantimpalaan, ngunit pinigilan ka ni Yahweh na makakuha ng anumang gantimpala.”
Esther 3:1Pagkatapos ng mga bagay na ito, itinaas ni Haring Assuero ang tungkulin ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, at inilagay ang sentro ng kanyang kapangyarihan na mataas sa lahat ng opisyal na kasama niya.
Proverbs 1:9ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
Isaiah 44:25Ako na humahadlang sa mga hula ng mga sinungaling at silang mga bumabasa ng mga hula; Binabaliktad ko ang karunungan ng mga pantas at ginagawang kamangmangan ang kanilang payo.