Isaiah 44:25
Ako na humahadlang sa mga hula ng mga sinungaling at silang mga bumabasa ng mga hula; Binabaliktad ko ang karunungan ng mga pantas at ginagawang kamangmangan ang kanilang payo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:11Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto.
2 Samuel 15:31May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.”
2 Samuel 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
1 Kings 22:22Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
2 Chronicles 18:11At pareho ang ipinahayag ng lahat ng propeta, sinasabi, “Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtagumpay, sapagkat ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
Job 5:12Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.