Daniel 6:4
Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:38Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?”
Judges 14:4Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel).
1 Samuel 18:14Sumasagana si David sa lahat ng kanyang paraan, sapagkat kasama niya si Yahweh.
1 Samuel 22:14Pagkatapos sumagot si Ahimelec sa hari at sinabing, “Sino sa inyong lahat na mga lingkod ang pinakamatapat gaya ni David na manugang ng hari at nasa ibabaw ng iyong mga bantay at pinararangalan sa inyong bahay?
Psalms 37:32Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.
Ecclesiastes 4:4Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.