Mga Hukom 14:4
Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel).
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:48kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo.
Judges 13:1Muling gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh ang bayan ng Israel, at pinahintulutan niya sila na pamunuan ng mga Palestina sa loob ng apatnapung taon.
Judges 15:11Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”
1 Kings 12:24'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.
2 Chronicles 10:15Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
2 Chronicles 25:20Ngunit hindi nakinig si Amazias dahil ang kaganapang ito ay mula sa Diyos, upang maipasakamay niya ang mga tao ng Juda sa kanilang mga kaaway dahil humingi sila ng payo sa mga diyos ng Edom.