Daniel 6:7
Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 2:2Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama at ang mga namamahala ay nagsasabwatan laban kay Yahweh at laban sa kaniyang Mesias, sinasabing,
Psalms 59:3Dahil, tingnan mo, nag-aabang sila para kunin ang buhay ko. Ang mga makapangyarihang gumagawa ng kasamaan ay nagsasama-sama laban sa akin, pero hindi dahil sa aking pagsuway o kasalanan, Yahweh.
Psalms 62:4Sumasangguni sila sa kaniya para ibagsak siya mula sa kaniyang marangal na posisyon; mahilig silang magsabi ng mga kasinungalingan; siya ay pinagpapala nila sa kanilang mga bibig, pero sa kanilang mga puso siya ay kanilang isinusumpa. Selah
Psalms 83:1O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.
Daniel 2:4Pagkatapos, nagsalita ang matatalinong kalalakihan sa wikang Aramaico, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Sabihin mo ang panaginip sa amin, ang inyong mga lingkod at ihahayag namin ang kahulugan.”
Daniel 3:6Sinuman ang hindi magpatirapa at sumamba sa sandaling iyon ay itatapon sa naglalagablab na pugon.”