The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 6 › Daniel 6:8

Daniel 6:8

Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaan ang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaring mabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medo at Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Now, O king, establish the decree, and sign the writing, that it be not changed, according to the law of the Medes and Persians, which altereth not.

In Context

7Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.

9Kaya nilagdaan ni Haring Dario ang dokumento na gawing batas ang kautusan.

Read all of Daniel 6

Cross References

Esther 3:12Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.

Esther 8:8Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa.”

Psalms 94:21Sila ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.

Daniel 6:12Pagkatapos, sila ay lumapit sa hari at nagsalita sa kaniya tungkol sa kaniyang batas: “Hindi ba gumawa ka ng batas na sinumang gumawa ng kahilingan sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo hari ay dapat ihagis sa yungib ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Naiayos na ang mga bagay na ito, ayon sa batas ng mga taga-Medo at mga taga-Persia; hindi na ito mapapawalang bisa.”

Matthew 24:35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 6:8

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 6:7Daniel 6Daniel 6:9 →