Daniel 7:14
Ibinigay sa kaniya ang karapatan upang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharing kapangyarihan upang ang lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hanggan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipas at hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 8:6Ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng ginawa ng iyong mga kamay; niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Psalms 72:11Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
Psalms 102:22sa panahon na ang mga tao at mga kaharian ay magtitipon para paglingkuran si Yahweh.
Psalms 110:1Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
Psalms 146:10Si Yahweh na iyong Diyos, ang maghahari magpakailanman, Sion, para sa lahat ng henerasyon. Purihin si Yahweh.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.