Daniel 7:15
Ngunit para sa akin, na si Daniel, nagdadalamhati sa aking kaloob-looban ang aking espiritu at ginagambala ako ng mga pangitain na aking nakita sa aking isipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I Daniel was grieved in my spirit in the midst of my body, and the visions of my head troubled me.
In Context
Cross References
Genesis 41:8Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
Jeremiah 17:16Para sa akin, hindi ako tumakbo sa pagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi ko hinangad ang araw ng sakuna. Alam mo ang mga pahayag na lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong harapan.
Daniel 2:3Sinabi ng hari sa kanila, “Nagkaroon ako ng isang panaginip, at nababahala ang aking isipan na malaman ang kahulugan ng panaginip.”
Daniel 4:19At labis na nabahala nang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, at nangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari, “Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginip o ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Aking panginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari ang panaginip, nawa para sa iyong mga kaaway ang paliwanag nito.
Daniel 7:28Narito ang katapusan ng lahat ng bagay. Ngunit para sa akin, na si Daniel, labis na nabahala ang aking isipan at nabago ang itsura ng aking mukha. Ngunit itinago ko ang mga bagay na ito sa aking sarili.”
Habakkuk 3:16Narinig ko, at ang aking kaloob-loobang bahagi ay nanginig! Ang aking mga labi ay nangatal sa tunog! Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto, at sa ilalim ng katawan ko ay nanginig habang tahimik kong hinihintay na dumating ang araw nang kaguluhan sa mga taong lumulusob sa amin.