Daniel 7:24
Ngunit para sa sampung sungay, mula sa kahariang ito manggagaling ang sampung hari at isa pa ang lilitaw pagkatapos nila. Magiging kakaiba siya mula sa mga nauna. At masasakop niya ang tatlong hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 7:7Pagkatapos nito, nakita ko sa aking panaginip kagabi ang ika-apat na hayop na nakakasindak, nakakatakot at napakalakas. Mayroon itong malaking bakal na ngipin. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinapak-tapakan ang natira. Kakaiba ito sa iba pang mga hayop at mayroon itong sampung sungay.
Daniel 8:9Tumubo ang isa pang sungay mula sa isa sa mga ito, maliit sa una, ngunit naging napakalaki sa timog, sa silangan at sa maluwalhating lupain ng Israel.
2 Thessalonians 2:3Huwag ninyong hayaan na kayo ay malinlang sa kahit na anong paraan. Sapagkat hindi ito darating hanggang sa mangyari ang pagbagsak at ang taong suwail ay maihayag, ang anak ng pagkawasak.
Revelation 12:3At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo.
Revelation 17:3Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay.
Revelation 17:16Ang sampung sungay na nakita mo — sila at ang halimaw ay masusuklam sa bayarang babae. Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalamunin nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila ng buo sa apoy.