Daniel 7:25
Magsasabi siya ng mga salita laban sa Kataas-taasan at aapihin niya ang mga taong banal ng Kataas-taasang Diyos. Susubukan niyang palitan ang mga pagdiriwang at ang kautusan. Maibibigay ang mga bagay na ito sa kaniyang mga kamay sa isang taon, dalawang taon at kalahating taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 2:21Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
Daniel 4:32Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
Daniel 7:20Nais kong malaman ang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at ang tungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulog ang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkol sa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibig na nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay na parang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.
Daniel 8:11Naging dakila ito, kasindakila ng banal na pinuno ng hukbo. Kinuha mula sa kaniya ang karaniwang alay na susunugin at naging marumi ang lugar ng kaniyang santuwaryo.
Daniel 9:27Pagtitibayin niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagitnaan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang paghahandog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam darating ang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganap na pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhos sa gumawa ng pagkasira.”
Daniel 11:30Sapagkat darating ang mga barko ng Kitim laban sa kaniya at mawawalan siya ng pag-asa at babalik. Sisiklab ang galit niya laban sa banal na tipan at masisiyahan siya sa mga taong sumasalungat sa banal na tipan.