Daniel 8:19
Sinabi niya, “Tingnan mo, ipapakita ko sa iyo kung ano ang susunod na mangyayari sa panahon ng matinding galit dahil may kinalaman ang pangitain sa mangyayari sa panahon na nakatakda para sa wakas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 8:23Sa huling panahon ng mga kahariang iyon, kapag umabot na sa sukdulan ang mga lumalabag sa batas, lilitaw ang isang haring may mabagsik na mukha na napakatalino.
Daniel 11:27Ang dalawang haring ito ay uupo sa parehong hapag-kainan taglay ang kasamaan ng kanilang mga puso laban sa isa't isa, at magsisinungaling sa bawat isa, ngunit walang layunin. Sapagkat darating ang katapusan sa nakatakdang panahon.
Daniel 11:36Gagawin ng hari ang lahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihin ang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan, at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban sa Diyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa maganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyang magaganap.
Daniel 12:7Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.
Revelation 1:1Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan.
Revelation 11:18Sumiklab ang galit ng mga bansa, pero ang iyong poot ay dumating na. Ang panahon ay narito na para ang mga patay para hatulan at dahil sa iyo para gantimpalaan ang iyong mga lingkod, ang mga propeta, ang mga mananampalataya, at silang mga may takot sa iyong pangalan, silang mga hindi mahalaga at ang dakila. At ang oras ay dumating dahil sa iyo para wasakin silang mga sumisira sa mundo.