Daniel 8:23
Sa huling panahon ng mga kahariang iyon, kapag umabot na sa sukdulan ang mga lumalabag sa batas, lilitaw ang isang haring may mabagsik na mukha na napakatalino.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:24Darating ang mga barko mula sa baybayin ng Kitim; Sasalakayin nila ang Asiria at sasakupin ang Eber, ngunit sila rin ay hahantong sa pagkawasak sa katapusan.”
Ezekiel 38:8Tatawagin ka pagkalipas ng maraming araw, at pagkatapos ng ilang mga taon, pupunta ka sa isang lupain na nakabangon mula sa espada at tinipon mula sa mga maraming tao, tinipon pabalik sa mga bundok ng Israel sa patuloy na pagbagsak. Ngunit ang mga taong naninirahan sa lupain ay ilalabas sa mga tao, at mamumuhay silang lahat nang ligtas!
Daniel 7:8Habang pinagmamasdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita ko ang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isang maliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay na ito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.
Daniel 7:20Nais kong malaman ang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at ang tungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulog ang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkol sa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibig na nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay na parang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.
Daniel 8:9Tumubo ang isa pang sungay mula sa isa sa mga ito, maliit sa una, ngunit naging napakalaki sa timog, sa silangan at sa maluwalhating lupain ng Israel.
Daniel 10:14Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawain kung ano ang mangyayari sa iyong mga tao sa mga huling araw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw na darating.”