Daniel 8:26
Totoo ang pangitain na sinabi tungkol sa mga gabi at mga umaga. Ngunit selyohan mo ang pangitain, sapagkat tumutukoy ito sa maraming araw sa hinaharap.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 12:27“Anak ng tao, tingnan mo! 'Sinabi ng sambahayan ng Israel, 'Matagal pang mangyayari mula sa araw na ito ang pangitain na kaniyang nakikita at matatagalan pa ang kaniyang mga ipinahayag.'
Daniel 10:1Sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Persia, isang mensahe ay ipinahayag kay Daniel, (na tinawag na Beltesazar) at ang mensaheng ito ay totoo. Tungkol ito sa isang malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang mensahe nang ipinakita sa kaniya sa pamamagitan ng pangitain.
Daniel 12:4Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”
Hosea 3:3Sinabi ko sa kaniya, “Mamuhay ka kasama ko ng mahabang panahon. Hindi ka na magiging babaing nagbebenta ng aliw o magiging pag-aari ng sinumang ibang lalaki. gayundin naman, makakasama mo ako.”
Revelation 22:10Sinabi niya sa akin, “Huwag mong selyuhan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, dahil ang oras ay malapit na.