Daniel 12:4
Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 8:16Ibalumbon mo ang aking patotoo, selyuhan ang opisyal na tala, at ibigay ito sa aking mga alagad.
Isaiah 29:11Ang lahat ng mga paghahayag ay naging sa inyo tulad ng mga salita sa isang aklat na selyado, na maaaring ibigay ng mga tao sa isang may pinag-aralan, na sinasabing “Basahin mo ito”. Sinasabi rin niya, “Hindi maaari, dahil ito ay selyado.”
Isaiah 30:26Ang liwanag ng buwan ay magiging tulad ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magiging pitong beses na mas maliwanag, tulad ng liwanag ng araw ng pitong araw. Bibigkisin ni Yahweh ang pagkabali ng kanyang bayan at pagagalingin ang mga sugat ng kanyang panunugat sa kanila.
Daniel 8:17Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nang lumapit siya, natakot ako at nagpatirapa sa lupa. Sinabi niya sa akin, “Unawain mo, anak ng tao, na ang pangitain ay para sa panahon ng pagwawakas.”
Daniel 8:26Totoo ang pangitain na sinabi tungkol sa mga gabi at mga umaga. Ngunit selyohan mo ang pangitain, sapagkat tumutukoy ito sa maraming araw sa hinaharap.”
Daniel 11:33Magbibigay nang pang-unawa sa marami ang mga matatalinong tao. Ngunit sa loob ng ilang araw ay mamamatay sila sa espada at sa apoy, bibihagin sila bilang mga bilanggo at nanakawin ang kanilang mga pag-aari.