Daniel 8:4
Nakita kong sumasalakay ang lalaking tupa sa kanluran, sa hilaga at sa timog; walang ibang hayop ang kayang tumayo sa kaniyang harapan. Wala sa mga ito ang may kakayahang iligtas ang sinuman mula sa kaniyang kamay. Ginagawa niya ang anumang naisin niya at naging dakila siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 10:7kahit na alam mong wala akong kasalanan at walang sinumang makakasagip sa akin mula sa iyong mga kamay?
Psalms 50:22Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:
Isaiah 45:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, sa kaniyang hinirang, kay Ciro na ang kanang kamay ay aking hawak, para lupigin ang mga bansa sa harap niya, para tanggalan ng sandata ang mga hari, at para buksan ang mga pintuan sa kaniyang harapan, kaya ang mga tarangkahan ay mananatiling nakabukas:
Jeremiah 50:1Ito ang salita na ipinahayag ni Yahweh tungkol sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo sa pamamagitan ni Jeremias na propeta,
Daniel 5:19At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.
Daniel 7:5At mayroong ikalawang hayop na tulad ng isang oso, nakayuko at mayroon itong tatlong tadyang sa pagitan ng mga ngipin sa bunganga nito. Sinabihan ito na, “Tumayo ka at lamunin ang maraming tao.'