Daniel 7:5
At mayroong ikalawang hayop na tulad ng isang oso, nakayuko at mayroon itong tatlong tadyang sa pagitan ng mga ngipin sa bunganga nito. Sinabihan ito na, “Tumayo ka at lamunin ang maraming tao.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 2:24Tumingin si Eliseo sa kaniyang likuran at nakita sila; tumawag siya kay Yahweh para sumpain sila. Pagkatapos dalawang babaeng oso ang lumabas sa kakahuyan at sinugod ang apatnapu't dalawang bata.
Isaiah 13:17Tingnan ninyo, pupukawin ko ang Medes para lusubin sila, na hindi iisipin ang tungkol sa pilak, ni hindi matutuwa sa ginto.
Isaiah 56:9Lahat kayong mga ligaw na hayop sa parang, magsiparito kayo at lumamon, lahat kayong mga hayop sa kagubatan!
Ezekiel 39:17Ngayon sa iyo, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sabihin mo sa lahat ng mga ibong may pakpak at sa lahat ng mga mababangis na hayop sa mga bukirin, 'Halikayo at magtipun-tipon! Magtipun-tipon mula sa lahat ng dako patungo sa handog na ako mismo ang gumagawa para sa inyo, isang malaking handog sa mga kabundukan ng Israel upang maaari ninyong kainin ang laman at inumin ang dugo.
Daniel 5:28PERES, ang iyong kaharian ay 'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.”
Daniel 8:4Nakita kong sumasalakay ang lalaking tupa sa kanluran, sa hilaga at sa timog; walang ibang hayop ang kayang tumayo sa kaniyang harapan. Wala sa mga ito ang may kakayahang iligtas ang sinuman mula sa kaniyang kamay. Ginagawa niya ang anumang naisin niya at naging dakila siya.