Daniel 9:10
Hindi namin sinunod ang tinig ni Yahweh na aming Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga kautusan na ibinigay sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na mga propeta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 18:12Ginawa niya ito dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, pero nilabag ang kaniyang tipan, lahat ng inutos ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Tinanggihan nilang makinig dito o gawin ito.
Nehemiah 9:13Sa bundok ng Sinai bumaba ka at kinausap sila mula sa langit at binigyan mo sila ng makatuwirang mga kautusan at totoong mga batas, mabuting mga alituntunin at mga kautusan.
Jeremiah 32:23Kaya pumasok sila at inangkin ito. Ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig o namuhay sa pagsunod sa iyong kautusan. Wala silang ginawa sa mga iniutos mo na kanilang gagawin, kaya dinala mo sa kanila ang lahat ng sakunang ito.
Hebrews 1:1Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan.