Nehemiah 9:13
Sa bundok ng Sinai bumaba ka at kinausap sila mula sa langit at binigyan mo sila ng makatuwirang mga kautusan at totoong mga batas, mabuting mga alituntunin at mga kautusan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:11Maging handa sa ikatlong araw, dahil sa ikatlong araw Ako, si Yahweh ay bababa sa Bundok Sinai.
Exodus 19:18Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
Exodus 20:22Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: 'Nakita mo na nakipag-usap ako sa iyo mula sa langit.
Deuteronomy 4:10sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
Deuteronomy 5:4Nagsalita si Yahweh sa inyong harapan sa ibabaw ng bundok mula sa gitna ng apoy
Deuteronomy 10:12Ngayon, Israel, ano ang kailangan ni Yahweh na inyong Diyos, maliban sa matakot kay Yahweh na inyong Diyos, para lumakad sa lahat ng kaniyang kaparaanan, para ibigin siya, at para sambahin si Yahweh na inyong Diyos ng buong puso at buong kaluluwa,