Daniel 9:26
Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 22:15Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan; ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala. Inilagay mo ako sa alabok ng kamatayan.
Isaiah 28:2Masdan ninyo, may isang makapangyarihan at malakas na tao mula sa Panginoon; gaya ng isang ulan ng yelo, isang namiminsalang bagyo, gaya ng isang laganap na napakalakas na ulan. Papaluin niya ang daigdig ng kanyang kamay.
Isaiah 53:8Sa pamamagitan ng pamimilit at paghuhusga siya ay hinatulan; sino mula sa henerasyon iyon ang nakaalala pa sa kanya? Pero siya ay nahiwalay mula sa lupain ng mga buhay; dahil sa mga kasalanan ng aking bayan ay ipinataw sa kanya ang parusa.
Daniel 9:27Pagtitibayin niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagitnaan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang paghahandog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam darating ang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganap na pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhos sa gumawa ng pagkasira.”
Daniel 11:17Ang hari ng Hilaga ay magpapasyang pumunta na taglay ang lakas ng kaniyang buong kaharian, at dala-dala niya ang isang makatarungang kasunduan na kaniyang ipatutupad kasama ang hari ng Timog. Ibibigay niya sa hari ng Timog ang isang babaeng anak na ipapakasal upang wasakin ang kaharian ng Timog. Ngunit hindi magtatagumpay o makakatulong sa kaniya ang balak na ito.
Hosea 1:9At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ammi, sapagkat hindi ko kayo mga tao at hindi ako ang inyong Diyos.