Daniel 11:17
Ang hari ng Hilaga ay magpapasyang pumunta na taglay ang lakas ng kaniyang buong kaharian, at dala-dala niya ang isang makatarungang kasunduan na kaniyang ipatutupad kasama ang hari ng Timog. Ibibigay niya sa hari ng Timog ang isang babaeng anak na ipapakasal upang wasakin ang kaharian ng Timog. Ngunit hindi magtatagumpay o makakatulong sa kaniya ang balak na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 12:17Sa panahong iyon, nilusob at nilabanan ni Hazael hari ng Aram ang Gat, at sinakop ito. Pagkatapos tinangkang lusubin ni Hazael ang Jerusalem.
Psalms 56:9Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin.
Ezekiel 4:3At ikaw, magdala ka ng kawaling bakal, at gamitin mo ito bilang bakal na pader sa pagitan mo at ng lungsod. Iharap mo ang iyong mukha sa dakong iyon at sa lungsod, sapagkat lulusubin ito. Kaya maglagay ka ng panglusob dito! Magiging isang palatandaan ito ng sambahayan ng Israel.
Ezekiel 17:17At ang Paraon, kasama ang kaniyang malakas na hukbo at ang pagtitipon ng maraming kalalakihan para sa digmaan ay hindi siya kayang protektahan sa labanan, kapag ang hukbo ng Babilonia ay gagawa ng tambak ng lupa at mga pader upang sirain ang maraming buhay.
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Matthew 12:30Ang sinuman na hindi kasapi ko ay laban sa akin, at sino man ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.