Daniel 9:6
Hindi kami nakinig sa iyong mga lingkod na propetang nagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga pinuno, sa aming mga ninuno at sa lahat ng tao sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 33:10Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Nehemiah 9:30Sa maraming taon, sila ay pinagtiisan mo at binalaan ayon sa iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta. Gayumpaman hindi pa rin sila nakinig. Kaya ibinigay mo sila sa mga kalapit-bansa.
Nehemiah 9:34Ang aming mga hari, mga prinsepe, mga pari, at mga ninuno ay hindi pinanatili ang iyong batas, ni binigyang pansin ang iyong mga kautusan o ang mga utos mo sa tipan na babala sa kanila.
Jeremiah 6:16Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
Jeremiah 7:24Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.