Deuteronomio 1:7
Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
Numbers 10:12Patuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay mula sa ilang ng Sinai. Huminto ang ulap sa ilang ng Paran.
Deuteronomy 1:19Naglakbay tayo palayo mula sa Horeb at dumaan sa malawak at kakila-kilabot na ilang na inyong nakita, sa ating daan patungo sa maburol na bansa ng mga Amoreo, gaya ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa atin; at tayo ay dumating sa Kades Barnea.
Deuteronomy 11:24Bawat lugar na lalakaran ng inyong mga talampakan ay mapapasa inyo; mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa ilog, ang Ilog Eufrates, hanggang sa kanlurang dagat ay magiging hangganan ninyo.
Joshua 9:1Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo—
Joshua 11:16Kinuha ni Josue ang lahat ng lupaing iyon, ang maburol na bansa, lahat ng Negev, lahat ng lupain ng Goshen, ang mga mababang burol, ang lambak Ilog Jordan, ang maburol na bansa ng Israel, at ang mga mababang lupain.