Deuteronomio 2:36
Mula Aroer, na nasa gilid ng lambak ng Arnon, at mula sa lungsod na nasa lambak, patungong Galaad, walang isang lungsod na masyadong mataas para sa atin. Si Yahweh na ating Diyos ang siyang nagbigay sa atin ng tagumpay sa ating mga kalaban.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:48Itong kalupaan ay nagsimula sa Aroer, sa dulo ng lambak ng Arnon, tungo sa Bundok Sion (o Bundok Hermon),
Joshua 12:2Si Sihon ay hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon. Namuno siya mula sa Aroer, kung saan nasa gilid ng bangin ng Arnon mula sa gitna ng lambak, at kalahati ng Galaad pababa sa Ilog Jabbok sa hangganan ng mga Ammonita.
Joshua 13:16Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
Judges 11:26Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
Isaiah 17:2Iiwanan ang mga lungsod ng Aroer. Ito ay magiging mga lugar na hihigaan ng mga kawan, at walang makakapanakot sa kanila.
Jeremiah 48:19Tumayo kayo sa mga lansangan at magbantay, kayong mga tao na nakatira sa Aroer. Tanungin ninyo ang mga nagsisitakbuhan at nagsisitakas, sabihin ninyo, 'Ano ang nangyari?'