Deuteronomy 2:5
huwag kayong makikipag-away sa kanila, dahil hindi ko ibibigay ang anumang lupain nila sa inyo, hindi, ni hindi sapat sa lupa na tumapak ang inyong paa; dahil ibinigay ko ang Bundok ng Seir kay Esau bilang isang pag-aari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 36:8Kaya nga si Esau, na tinatawag ding Edom, ay nanirahan sa bansang burol ng Seir.
Deuteronomy 32:8Nang ibinigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang pamana—nang hinati niya ang lahat ng sangkatauhan, at itinakda niya ang mga hangganan ng mga tao, itinakda rin niya ang bilang ng kanilang mga diyus-diyosan.
2 Chronicles 20:10Ngayon tingnan mo, narito ang mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir, na hindi mo hinayaang malusob ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Ehipto, sa halip, tumalikod sa kanila ang Israel at hindi sila winasak.
Ezekiel 35:2“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Bundok ng Seir at magpahayag(magpropesiya) ka laban dito.
Daniel 4:32Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
Acts 17:26At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.