Deuteronomio 25:9
Sa gayon ang asawa ng kapatid niya ay dapat pumunta sa kaniya sa presensya ng mga nakatatanda, hubarin ang kaniyang sandalyas mula sa kaniyang paa, at duraan ang kaniyang mukha. Dapat niya siyang sagutin at sabihan, 'Ito ang ginagawa sa lalaking hindi itataguyod ang bahay ng kaniyang kapatid.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Ang kaniyang pangalan ay tatawagin sa Israel, 'Ang bahay niya na ang sandalyas ay hinubad.'
Cross References
Numbers 12:14Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung duraan ng kaniyang ama ang kaniyang mukha, mapapahiya siya sa loob ng pitong araw. Huwag ninyo siyang papasukin sa kampo sa loob ng pitong araw. Pagkatapos nito, papasukin siyang muli.”
Ruth 4:7Ngayon ito ang kaugalian sa Israel sa mga naunang panahon patungkol sa pagtubos at pagpalit ng mga ari-arian. Para patunayan ang lahat ng mga bagay, hinuhubad ng isang tao ang kaniyang sapatos at ibinibigay ito sa kaniyang kapitbahay; ito ang paraan sa paggawa ng ayon sa batas na mga kasunduan sa Israel.
Ruth 4:10Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.”
Job 30:10Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
Isaiah 50:6Binigay ko ang aking likod sa mga bumubugbog sa akin, at ang aking mga pisngi sa mga bumunot ng aking balbas; hindi ko tinago ang aking mukha mula sa pamamahiya at panunura.
Matthew 27:30At siya ay dinuraan nila, at kinuha nila ang tungkod at hinampas siya sa ulo.