Deuteronomio 28:38
Kukuha kayo ng maraming binhi mula sa kabukiran, pero kakaunting binhi lamang ang madadala ninyo, dahil kakainin ito ng mga balang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:14Pumunta ang mga balang sa buong lupain ng Ehipto at pinugaran ang lahat ng bahagi nito. Napakaraming mga balang na kailanman ay hindi pa nakarating sa lupain at hindi na mauulit pa.
Joel 1:4Ang iniwan ng napakaraming nagliliparang balang ay kinain ng mga malalaking balang, ang iniwan ng mga malalaking balang ay kinain ng mga tipaklong, at ang iniwan ng mga tipaklong ay kinain ng mga uod.
Joel 2:25“Ibabalik ko sa inyo ang mga taon ng mga pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang, ng mga malalaking balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod, ang aking malakas na hukbo na aking ipinadala sa inyo.
Amos 7:1Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong si Yahweh. Tingnan, lumikha siya ng isang pulutong ng mga balang nang magsimula ang tagsibol ng mga pananim, at, tingnan, ito ang huling pananim pagkatapos ng pag-ani ng hari.
Haggai 1:6Naghasik kayo ng napakaraming binhi, ngunit kakaunti ang inyong aanihin; kumain kayo ngunit hindi nabubusog; uminom kayo ngunit nanatiling uhaw. Nagsuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan, at ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng pera para ilagay ito sa isang sisidlan na puno ng mga butas!'