Hagai 1:6
Naghasik kayo ng napakaraming binhi, ngunit kakaunti ang inyong aanihin; kumain kayo ngunit hindi nabubusog; uminom kayo ngunit nanatiling uhaw. Nagsuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan, at ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng pera para ilagay ito sa isang sisidlan na puno ng mga butas!'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Kaya ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Isaalang-alang ang inyong mga pamamaraan!
7Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Isaalang-alang ninyo ang inyong mga kapamaraanan!
Cross References
Leviticus 26:26Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
Deuteronomy 28:38Kukuha kayo ng maraming binhi mula sa kabukiran, pero kakaunting binhi lamang ang madadala ninyo, dahil kakainin ito ng mga balang.
1 Kings 17:12Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.”
Job 20:28Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang bahay; aanurin ang kaniyang mga kalakal sa araw ng poot ng Diyos.
Proverbs 11:24May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan.
Jeremiah 12:13Naghasik sila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong. Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napakinabangan. “Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sa poot ni Yahweh.”