Deuteronomio 28:47
Dahil hindi ninyo sinamba si Yahweh na inyong Diyos ng may kasiyahan at kagalakan ng puso nang kayo ay nasa kasaganahan,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 16:11Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
Deuteronomy 32:14Kumain kayo ng mantikilya na mula sa grupo ng mga hayop at uminom ng gatas na mula sa kawan, kasama ng taba ng mga tupa, mga lalaking tupa ng Bashan, at mga kambing, kasama ng pinakamainam ng trigo— at ininum ninyo ang bumubulang alak na gawa mula sa katas ng mga ubas.
Nehemiah 9:35Kahit na sa kanilang sariling kaharian, habang sila ay nagsasaya sa iyong dakilang kabutihan sa kanila, sa malaki at masaganang lupain na hinanda mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo o lumayo mula sa kanilang masasamang gawi.
1 Timothy 6:17Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak.