Deuteronomio 28:49
Magdadala si Yahweh ng bansa laban sa inyo mula sa malayo, mula sa dulo ng mundo, tulad ng isang agila na lumilipad papunta sa kaniyang biktima, isang bansa na hindi ninyo naiintindihan ang wika;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 5:26Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
Jeremiah 5:15Tingnan ninyo! Magpapadala ako ng isang bansa mula sa malayo laban sa inyo, sambahayan ng Israel. Ito ay magtatagal na bansa at sinaunang bansa! Ito ay isang bansang hindi ninyo alam ang kanilang wika, ni maiintindihan ang kanilang sinasabi. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 48:40Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan, ang mga kaaway ay darating na katulad ng lumilipad na agila, na nakaunat ang mga pakpak sa ibabaw ng Moab.
Lamentations 4:19Mas matulin pa sa mga agilang nasa alapaap ang aming mga manunugis. Hinahabol nila kami sa mga kabundukan at nag-aabang sila sa amin sa ilang.
Ezekiel 17:3Sabihin mo, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang isang malaking agila na may malaki at mahabang pakpak, makapal ang mga balahibo, at may ibat' ibang kulay ay nagtungo sa Lebanon at dumapo sa itaas na bahagi ng puno ng sedar.
Daniel 6:22Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”