Isaiah 5:26
Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 72:8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
Isaiah 10:3Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?
Isaiah 13:2Sa kalbong bundok maglagay ka ng isang bandilang panghudyat, umiyak kayo ng malakas sa kanila, iwagayway ang inyong kamay para pumunta sila sa mga tarangkahan ng mga maharlika.
Isaiah 18:3Lahat kayong nananahan sa mundo at lahat kayong namumuhay sa lupain, kapag may itinaas na panghudyat sa mga kabundukan, tingnan ninyo; at kapag hinipan ang trumpeta, pakinggan ninyo.
Isaiah 39:3Pagkatapos lumapit si Isaias ang propeta kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Ano ang sinabi sa iyo ng mga taong ito? Saan sila nagmula?” Sumagot si Hezekias, “Naparito sila sa akin mula sa malayong bansa ng Babilonia.”
Jeremiah 5:15Tingnan ninyo! Magpapadala ako ng isang bansa mula sa malayo laban sa inyo, sambahayan ng Israel. Ito ay magtatagal na bansa at sinaunang bansa! Ito ay isang bansang hindi ninyo alam ang kanilang wika, ni maiintindihan ang kanilang sinasabi. Ito ang pahayag ni Yahweh.