Deuteronomio 28:52
Sasalakayin nila kayo sa lahat ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, hanggang sa bumagsak ang inyong mga matataas at pinatibay na mga pader saan man sa inyong lupain, mga pader na pinagkakatiwalaan ninyo. Sasalakayin nila kayo sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod sa buong lupain na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:25Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
2 Kings 18:13Pagkatapos sa ika-labing apat na taon ni Haring Hezekias, nilusob ni Senaquerib na hari ng Asiria ang lahat ng matitibay na lungsod ng Juda at sinakop sila.
2 Kings 25:1Nangyari ito na sa ika-siyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ika-sampung buwan, at sa ika- sampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar hari ng Babilonia kasama ng lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo siya sa harap nito, at nagtambak ng lupa sa paligid ng mga pader.
Isaiah 1:7Wasak ang bansa niyo; sinunog ang mga lungsod niyo; sa harapan niyo, sinisira ng mga dayuhan ang lupain niyo; iniwan nila itong wasak at sira-sira, pinabagsak ng mga dayuhan.
Jeremiah 10:18Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, ipapatapon ko sa panahong ito ang mga naninirahan sa lupain. Pahihirapan ko sila at malalaman nila ito.”
Jeremiah 37:8Babalik ang mga Caldeo. Makikipaglaban sila laban sa lungsod na ito, bibihagin at susunugin ito.'