Deuteronomio 28:63
Kagaya ng pagkagalak noong una ni Yahweh sa inyo sa paggawa ninyo ng mabuti, at sa pagpaparami sa inyo, kaya siya din ay magagalak na kayo ay mapuksa at mawasak. Bubunutin kayo paalis sa lupain na inyong papasukin para angkinin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:22Si Yahweh na inyong Diyos ay aalisin ang mga bansa sa harapan ninyo ng unti-unti. Hindi ninyo matatalo silang lahat ng mabilisan, o ang mga mabangis na mga hayop na lalong darami sa palibot ninyo.
Proverbs 1:26Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot —
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Jeremiah 12:14Ito ang sinasabi ni Yahweh laban sa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasama na sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko sa aking mga taong Israelita, “Tingnan ninyo, ako ang siyang bubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
Jeremiah 24:6Ibabaling ko ang aking mga mata sa kanila para sa kabutihan at muli silang ibabalik sa lupaing ito. Itatayo ko sila at hindi ibabagsak. Itatanim ko sila, at hindi bubunutin.
Jeremiah 31:40Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.