Deuteronomio 28:65
Sa mga bansang ito hindi kayo makakahanap ng kaluwagan, at walang magiging kapahingahan para sa mga talampakan ng inyong mga paa; sa halip, bibigyan kayo ni Yahweh doon ng takot sa puso, lumalabong mga mata, at isang kaluluwang nagluluksa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 8:9pero ang kalapati ay walang nakitang lugar upang ipahinga ang kanyang paa, at bumalik ito sa kanya sa arka, dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Iniabot niya ng kanyang kamay, at kinuha at dinala niya ito kasama niya sa arka.
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Isaiah 57:21Walang kapayapaan para sa isang masama—sinasabi ng Diyos.”
Lamentations 1:3Pagkatapos ng kahirapan at dalamhati, nabihag ang Juda. Nanirahan siya kasama ang mga bansa at hindi nakatagpo ng kapahingahan. Naabutan siya ng lahat ng mga humahabol sa kaniya sa kaniyang kawalan ng pag-asa.
Lamentations 5:17Nagkasakit ang aming mga puso, at lumabo ang aming mga mata,
Ezekiel 12:18“Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay nang may panginginig at inumin mo ang iyong tubig nang may pangangatal at pag-aalala.