The Bible Software
bible.softwareLamentationsLamentations 1 › Lamentations 1:3

Lamentations 1:3

Pagkatapos ng kahirapan at dalamhati, nabihag ang Juda. Nanirahan siya kasama ang mga bansa at hindi nakatagpo ng kapahingahan. Naabutan siya ng lahat ng mga humahabol sa kaniya sa kaniyang kawalan ng pag-asa.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Judah is gone into captivity because of affliction, and because of great servitude: she dwelleth among the heathen, she findeth no rest: all her persecutors overtook her between the straits.

In Context

2Tumatangis at humahagulgol siya sa gabi, at tinatakpan ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga pisngi. Wala sa kaniyang mangingibig ang umaaliw sa kaniya. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaniyang mga kaibigan. Naging mga kaaway niya sila.

4Tumangis ang mga daan ng Zion dahil walang dumating sa itinakdang mga pista. Pinabayaan ang lahat ng kaniyang mga tarangkahan. Naghihinagpis ang kaniyang mga pari. Nalulungkot ang kaniyang mga birhen at siya mismo ay ganap na nabalisa.

Read all of Lamentations 1

Cross References

Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.

Deuteronomy 28:64Ikakalat kayo ni Yahweh sa gitna ng lahat ng mga tao mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa ibang dulo ng mundo; doon sasamba kayo sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo nakilala, ni ng inyong mga ninuno, mga diyus-diyosan na kahoy at bato.

2 Kings 24:14Dinala niyang bihag ang lahat ng Jerusalem, mga pinuno at mga mandirigma, sampung libong mga bihag, at lahat ng mga mahuhusay na manggagawa at mga panday. Walang naiwan kung hindi ang mga pinakamahihirap na mga tao sa lupain.

2 Kings 25:21Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan, naitinapon ang Juda mula sa lupain nito.

Jeremiah 13:19Maisasara ang mga lungsod sa Negev at walang sinuman ang makapagbubukas ng mga ito. Mabibihag ang mga taga-Juda at ipapatapon ang lahat ng nasa kaniya.

Jeremiah 24:9Ibabaling ko sila sa isang nakakatakot na bagay, isang sakuna, sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa, isang kahihiyan at isang sentro ng mga salawikain, mga paghamak, at mga sumpa sa lahat ng lugar kung saan ko sila dinala.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Lamentations 1:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Lamentations 1:2Lamentations 1Lamentations 1:4 →