Deuteronomio 32:19
Nakita ito ni Yahweh at sila ay tinanggihan niya, dahil lubha siyang ginalit ng kaniyang mga anak na lalaki at kaniyang mga anak na babae.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
Psalms 10:3Dahil ipinagyayabang ng masasamang tao ang kaniyang pinakamalalim na mga hangarin; pinagpapala niya ang sakim at iniinsulto si Yahweh.
Psalms 82:6Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
Isaiah 1:2Makinig kayong mga langit, at pakinggan mo ako lupa; dahil nagsalita si Yahweh: “Nag-alaga at nag-aruga ako ng mga bata pero nagrebelde sila sa akin.
Jeremiah 44:21“Hindi ba naalala ni Yahweh ang insenso na inyong sinunog sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem—kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at mga pinuno, at ang mga tao sa lupain? Sapagkat naaalala ito ni Yahweh; at pumasok ito sa kaniyang isipan.
Amos 3:2Kayo lamang ang pinili ko sa lahat ng mga pamilya sa lupa. Dahil dito parurusahan ko kayo sa inyong mga kasalanan.