Jeremiah 44:21
“Hindi ba naalala ni Yahweh ang insenso na inyong sinunog sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem—kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at mga pinuno, at ang mga tao sa lupain? Sapagkat naaalala ito ni Yahweh; at pumasok ito sa kaniyang isipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 17:18Kaya sinabi ng kaniyang ina, “Ano ba ang dinala mo laban sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta ka ba rito para ipaalala ang aking kasalanan at patayin ang aking anak?”
Isaiah 64:9Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.
Jeremiah 14:10Sinabi ito ni Yahweh sa mga taong ito: “Yamang ibig nilang maglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa na magpatuloy.” Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon, inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
Jeremiah 44:17Sapagkat tiyak na gagawin namin ang lahat ng mga bagay na aming sinabi na gagawin: magsusunog kami ng insenso sa Reyna ng Langit at magbubuhos ng mga handog na inumin sa kaniya, na gaya ng ginawa namin, ng aming mga ninuno, ng aming mga hari at ng aming mga pinuno sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan sa Jerusalem. At mapupuno tayo ng mga pagkain at sasagana, na hindi dadanas ng anumang sakuna.
Ezekiel 16:24nagtayo ka sa iyong sarili ng altar at gumawa ka ng dambana sa bawat pampublikong lugar.
Hosea 7:2Hindi napagtanto ng kanilang mga puso na naalala ko ang lahat ng kanilang masasamang gawa. Ngayon, napalibutan sila ng kanilang masasamang gawa, sila ay nasa aking harapan.